diwata (aninosadilim) wrote,
diwata
aninosadilim

ahh....ano..? o_O'

Nanggaling ako sa banahaw noong Pebrero at maraming nangyari doon at dito niyo iyon lahat mababasa.

Noong miyerkules ay galing ako sa bahay ni aisa sa may bonny serrano. Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng bus ay napadaan ako sa parte ng farmers market kung saan naroon ang mga nagbebena ng mga bulaklak…napangiti ako nang makita ko ang mga palumpon ng bulaklak na naka-ayos at nakahilera…mahilig ako sa bulaklak at siyempre..kagaya marahil ng lahat ng babae ay nangangarap rin akong makatanggap ng isang palumpon ng bulaklak mula sa isang taong gusto ko…hay naku ang dami ko namag naiisip na kung anu-ano…kung may magbibigay eh di masaya, kung wala ayos lang din naman…

meron na naman akong taong nagugustuhan...haha...yun lang..pinapaalam ko lang sa inyo yun...xD

Kahapon ng tanghali ay namatay na si Francis “Kiko” Magalona…nakakalungkot dahil isa siyang mabait na tao na mahal ang kanyang sining at ang baying kanyang sinilangan. Ma-mi-miss ka namin Sir Francis M.

Malapit na ang finals week naming, sa katunayan niyan ay huling linggo na ng klase itong darating na linggo…magsisimula ang mga exams at finals sa Marso 18…grabe ang dami dami ko pang kailangang ipasa…xD

Wala na kong masabi at kailangan ko pang paliguan si Sheon, ang aking alaga sa pet society sa facebook…hahaha! XD

~ diwata
Tags: walang kuwenta..o_o
  • Post a new comment

    Error

    default userpic
  • 0 comments