?

Log in

diwata
12 December 2008 @ 04:47 am
foundation week ng Kalay nung nakaraang nob. 26-28..wala lang…haha…ayus naman yung naging kalabasan…wala naman ako masyadong makwento kasi hindi ko na pinuntahan yung ibanng mga events…basta andun lang ako nakabantay sa booth pag ‘ala akong klase..xD

nagsimula yung Foundation week sa Recognition Ceremony ng mga nakapasok sa Division at President’s list…nakakaines nga at hinde ako umabot eh…di bale na…sa susunod na mga semestre na lang ulet…uhh…tapos ayun nagsimula na nga nung hapon ng Martes pagkatapos nung Recognition ceremony...may DZKC ulet..tas sila david nagpa-rockband nung Martes, Huwebes at Biyernes..nagbenta ulet kami ng walang kamatayang C2 at org shirt…yung ECCD nagbenta ng carbonara ni tala…tas si Nicole nagbenta ng gawa nilang mga tsokolate…xD

nung nob. 28 dumalaw sina Glenys, Ara at Dea…wala lang…parang nanggulo lang sila dun…haha…hinde…bumili sila ng org shirt namen…xD tapos nagkaroon ng Fashion Show at tugtugan…tas may after party sa may katipunan banda…hindi ko na pinuntahan yung mga yun kasi pagod na ko talaga…’tas para kasing habang buhay na kong kulang sa tulog…ewan ko ba…-__-

uhh…nag-bukas na sa mga sinehan yung pelikula ng ‘twilight’ noong nob. 26…ayoko sana panoorin…kaso…naku bahala na nga…sinabi ko sa sarili ko na hindi ako manonood kaya hindi ako manonood…hihintayin ko na lang yung orihinal na DVD para mabili at saka ko na siya panonoorin…pero bibili ako nung soundtrack niya…gusto ko kasi yung kanta ng Paramore…tsaka para makakuha din nung trading card…sana lang wag si Edward o bella makuha ko…kahit sino na wag lang sila…o_O’…hinihintay ko rin yung official guide ng twilight na gawa ni Meyer…nagtabi na ko ng pera para doon…haha…tas pag-iipunan ko yung movie companion para lang may litrato ako ni Taylor Lautner bilang si Jacob Black….ahahahaha! Langya yan…xD

nung nakaraang nob. 26 eh nanood kami ng Ploning sa U.P. Film Institute…uhh…ayos naman yung istorya…hindi siya ganun kaganda pero hindi rin naman sayang ang pagpunta ko at ang binayad ko…maganda yung pagkakagamit nila ng estilong non-linear para ikwento ang istorya…pati na yung paggamit ng salitang cuyonan.. siguro ang nagustuhan ko sa sa Ploning eh yung katotohanang ginawa siya ng director para sa mga ka-nayon niya sa Cuyo, Palawan. Nagpakita siya ng pagmamahal at pagpapahalaga sa pinagmulan niya at doon niya nakuha ang respeto at paghanga ko…

sige...dami pa 'kong gagawin eh…xP

~diwata

 
 
diwata
16 November 2008 @ 04:03 am
Wala naman masyado…pero in fairness naging masaya naman ang pagiging RA ko..salamat na rin Mtx at ne-experience ko yun…xP

Tinopak lang naman kasi kaming lahat at nagbihis ng kung anu-ano nung enrollment week…nung nov. 4 smart casual…nov. 5 costume…nov. 6 70s at nung huling araw sports attire…tas nung huling araw kumaen kame ng pizza kasi hindi nakapag-bihis si jean nung nov. 6 kaya yun ang parusa niya…ibili kami ng pizza…hehe…tapos yung ibinayad sa’min ng school para sa pagtulong sa enrollment eh naubos ko lang sa 8th UP-AME…galeng noh? Haha…minsan lalagay ko mga litrato dito pag nakuha ko na sila…xP

Nakuha ko yung class cards ko nung nov. 3…ayos naman yung grades ko kaya lang kulang pa ng isa…ewan ko kay katigs bakit wala pa grade namin..panalangin ko lang eh hindi bababa ng dos ang grade ko para makasampa manlag ako sa division list…wan taym big taym lang ang pagiging president’s lister ko last year…pinagsabay ko ba naman yung dalawang klase ni bobet eh…xD

Nung isang lingo pa nagsimula ang klase namin…at eto ang skedyul ko ngayong semestre na ‘to..

Monday
8am-10 am --> P.E. (aikido)

Tuesday
8:30am-10am --> Seminar
10am-11:30am --> Humanidades II
1-4pm --> Political Science 170 (Introduction to Comparative Government and Politics)

Wednesday
8:30am-10am --> Philosophy I
10am-11:30am --> Komunikasyon II
1-4pm --> Journalism 111 (Feature Writing)

Thursday
8:30am-10am --> Seminar
10am-11:30am --> Humanidades II

Friday
8:30am-10am --> Philosophy I
10am-11:30am --> Komunikasyon II

Saturday
9am-12pm --> Journalism 196 (Seminar)

kamusta naman diba? Panay G.E. …gudlak na lang kung makapag- DL pa ko this sem…wala na kasing iabng major na pwede kong kunin eh…dalawa lang..tas kumuha ako ng isang free elective…tas kelangan ko na talagang bawasan yung P.E. ko…ahahaha! XD

hala sige tignan natin kung makakayanan ko ang 23 units…para makatapos naman na ‘ko ng pag-aaral sa susunod na taon…xP

hala sige nauubos na utak ko dito…sa susunod na lang nga…sabaw na sabw na ko…antok pa kasi ko…xD

~diwata

 
 
diwata
09 August 2008 @ 03:18 pm
nagpunta kami sa burol ng tita ng nanay ko nung linggo at nagkita kami nung pinsan ko…sinabi niya sa’kin na umuwi raw nung july si paolo at two weeks na lang daw siya dito bago siya bumalik sa amerika…

akalain niyong umuwi ang unang lalaking minahal ko?!

grabe..natorete ako buong linggo nung malaman ko ang balitang yun…nasabi ko sa sarili ko… “pakshet ‘andito si paolo…” haha! XD

anim na taon na ang nakalipas nang mahalin ko siya…minahal ko siya ng hindi niya alam dahil bago siya umalis papuntang amerika hindi ko na nasabi sa kanya ang totoo…halos limang taon din bago ko siya tuluyang nakalimutan…nung nalaman kong nandito siya at nagbabakasyon mabilis akong kinabahan at napaisip…‘mahal ko pa rin kaya siya?’…naku ilang araw din ako napaisip…medyo umiyak na naman sa kwarto…nagsayang ng pera sa beer at yosi at karaoke…hanggang sa inakala ko na mahal ko pa rin nga siya….pero nung nakausap ko siya sa telepono nung miyerkules napatunayan ko sa sarili ko na hindi ko na siya ganun ka-mahal…siguro may kaunti pang natitira kasi habang kausap ko siya nanlalamig at kinakabahan ako…XD…siguro ala-ala na lang ng lumipas na pagmamahal ko sa kanya ang naiwan…hindi ko alam…pero isa lang ang nasiguro ko nung gabing nagkausap kami sa telepono…hindi na katulad ng dati ang nararamdaman ko para sa kanya...sa totoo lang parang naiilang na lang ako sa kanya…siguro dahil nga minsan sa buhay ko minahal ko rin siya...kasi yung pagkailang ko sa kanya ay kagaya ng pagkailang ko kapag kausap ko si jero…XP pwedeng yun lahat ang dahilan o nagsisinungaling na naman ako sa sarili ko…AHAHAHAHAHAHAH!!!!!!

hay parang kailangan ata eh makaharap ko pa siya para talagang malaman ko kung wala na talaga sa’kin ang lahat…at sa totoo lang gusto ko siyang makita…para lang nga masabi ko sa sarili ko na kaya ko na siyang harapin..tsaka isa pa magkaibigan din naman kami…gusto ko rin naman siyang makasama bago siya bumalik sa amerika…

hay ang buhay talaga ‘no? hindi mo alam kung ano ang mangyayari…masaya na ang buhay ko ngayon…tahimik…walang gulo…walang drama…siguro binigyan siya ng pagkakataong umuwi para na rin maayos niya ang mga naiwan niya rito at para na rin sa ikatatahimik ko…masaya ko na masaya na siya doon..masaya rin ako at maayos na ang buhay niya…masaya kong naharap ko na ang isang parte ng nakaraan ko…ngayon sana yung iba naman…^^

~diwata
 
 
si diwata ay:: shockedgulat na gulat
 
 
diwata
26 July 2008 @ 02:40 pm
grabe ang dami kong ginagawa sa eskwela ngayon..ang daming mga report ang kailangang gawin at tapusin...idagdag niyo pa yung pagiging supervising editor ko sa kartilya...ang opisyal na dyaryo ng aming organisasyon...^^

sa lunes ako na na ang kailangang mag-report sa Journalism 192...sana lang magawa ko ito ng maayos...

ngayon ay klase ko sa computer science 1 at nagawa ko na ang mid-terms namin...html ng isang website...ang ganda nga nung nagawa ko eh....nakakatuwa dahil nagamit ko ang mga natutunan ko noong nasa hayskul pa lamang ako...xD

nung nakaraang linggo naman ay bumili kami ng bagong desktop computer...linus ang OS nit pero ayus lang naman dahil nasasanay na rin naman ako...at sa totoo lang mas madaling gamitin ang linux kumpara sa windows...yun ay sarili ko lang namang obserbasyon...

masaya ko at nakabili na kami muli ng kompyuter...mas gumaan ang pagtatrabaho ko dahil hindi ko na kailangang pumunta sa internet cafe o kaya sa bahay ng pinsan ko para lang makagawa ako ng mga papers ko na kailangang ipasa...ang problema na lang ngayon ay ang printer...sana makabili na rin kami ng printer na pwedeng gamitin sa linux para ang tanging poproblemahin ko na lang ay ang internet..xP

hay ang buhay talaga ng isang estudyante...nakakaloka...xD

~ diwata
Tags:
 
 
si diwata ay:: busymaraming ginagawa
 
 
diwata
05 June 2008 @ 04:45 pm
kakatapos ko lang mag-enroll kahapon at eto ang schedule ko

oras --> Subject (Shortcut):tungkol saan ang subject

Lunes

8:30-10:00 am --> Journalism 192 (J129):Journalism ethics
1:00-4:00 pm --> Science, Technology and...uhh...nakalimutan ko...o_O' (STS):runkol sa science..??...lol...xD


Miyerkules

7:00 am - 8:30 am --> Journalism 109 (J109):Popular writing
10:00 am - 11:30am --> Political Science 14 (PS14):tungkol sa political science...? xP
11:30 am - 1:00 pm --> Communication 141 (Comm141):nakalimutan ko na talaga...xD

Huwebes

8:30-10:00 am --> Journalism 192 (J129):Journalism ethics

Biyernes

10:00 am - 11:30am --> Political Science 14 (PS14):tungkol sa political science...? xP
11:30 am - 1:00 pm --> Communication 141 (Comm141):nakalimutan ko na talaga...xD

Sabado

7:00 am - 8:30 am --> Journalism 109 (J109):Popular writing
9:00 am - 12:30 pm --> Journalism 121 (J121):Introdksyon sa lay-outing
no time yet --> Computer science 1 (CS1):Introduksyon sa computer science

so bale pito lahat ng subjects ko

J109
J192
J121
STS
CS1
Comm141 and
PS14

sa Ika-10 ng Hunyo magsisimula ang Klase namin pero wala naman akong pasok ng araw na iyon...pero kailangan ko pa ring pumunta sa Kalayaan para lumahok sa freshmen assembly...

yun na muna...^^

~ diwata
Tags:
 
 
si diwata ay:: anxioussi makapag-intay
 
 
 
diwata
20 May 2008 @ 05:41 pm
hay nako malapit na naman ang pasukan...hay buhay...o_O

~ diwata
Tags:
 
 
si diwata ay:: boredbored
 
 
diwata
23 April 2008 @ 05:17 pm
adik ako ngayon sa L word...crush ko sobra si shane...

walang pakialamanan ng sexual orientation...leche...XD

~diwata
 
 
si diwata ay:: excitedexcited
 
 
diwata
29 February 2008 @ 07:35 pm
Sa mata ng lipunan isa lamang akong estudyante...isang walang alam, walang karanasan at isang maliit na boses...ngunit hindi ito dapat maging hadlang upang ipaglaban ko ang sa tingin ko ay tama...ang hilingin na pabagsakin ang naghaharing mapang-aping uri...ang hanapin ang katotohanan at higit sa lahat ay ipaglaban ang karapatan ko...

minsan ang hirap himukin ang iba na makisali sa isang bagay na sa mata nila ay nakaka-perwisyo at nakakagulo ngunit hindi lang nila maintindihan kung bakit gusto kong ipaglaban ang mga bagay na 'to...

hirap na hirap akong humanap ng mga makakasama sa labang ito lalo na sa eskwelahan ko...nakakatawa at sa totoo lang ay nakakahiyang maging estudyante ng isang eskwelahang nagsasabing "The Truth will set you free." pero ngayong ang katotohanan ay itinatago ng mga taong nakaupo sa kapangyarihan ay hindi ito kumikilos para palabasin ang katotohanan...

isa akong estudyante...nag-iisa...ngunit pag sinamahan ninyo ako...kung magsama-sama tayong mga estudyante ay may magagawa tayo...nakakalungkot lang isipin na ang iba ay walang pakialam at walang balak na kumibo sa mga nangyayari ngayon.

Masyado ng malaki at marami ang problema ng ating bayan, kung hindi ka kikilos, kung hindi ka kikibo, kung hindi ka maninindigan at lalaban, daragdag ka lang sa mga problemang iyon. Para kang Cancer na hindi na kayang tanggalin pa sa sistema at tumutulong pa sa pagpapahina dito.

sige ituloy mo lang ang paglalaro mo, ang pagsasaya mo, ang pagsasawalang bahala mo...tignan ko lang kung magawa mo pa ang mga yan kapag naulit ang nangyari sa nakaraan...isang bagay na hindi nalalayong maganap...

Kaya Kumilos kayo 'wag yung puro salita, ideolohiya, prinsipyo at paniniwala.

Ang katotohanan ay ipaglaban.

Manindigan.

Huwag maging bingi sa tawag ng ating panahon.

Kumilos tayo.


~ diwata
 
 
diwata
07 December 2007 @ 03:22 pm
tangna lang! wala akong gnawa buong linggo kundi ang uminom kasama ang mga kaibigan...kaya nga mahal ko ang disyembre...tangna..inom lang! XD

~ diwata
 
 
si diwata ay:: drunknagpapaka-wasak
 
 
diwata
23 November 2007 @ 02:24 pm
Grabeh nakakatorete na ang mga gawain ko sa eskwela...o__O;

Alam niyo bang naghintay kami ng mga kaklase ko ng isa’t kalahating oras nung Lunes para sa klase namin ngunit hindi naman pumasok ang guro namin dahil nagpapahinga pa’t kagagaling lang sa sakit nung nakaraang linggo..?? sa isang ordinaryong pagkakataon ay mabu-bwiset ako sa nangyari ngunit bagkus ay natuwa pa’ko...dapat kasi hanggang alsa-siyete pa ng gabi ang klase ko ng araw na ‘yon...eh nagkataong tinatamad ako at hindi ko talaga gustong manatili sa Kalay (maliban sa “KC”, “Kalay” rin ang isa sa mga pinaikling tawag namin sa kolehiyo namin, Kalayaan College) ng hanggang alas-siyete ng gabi...kaya ayun...sobrang saya kong walang klase...hehe...xP

Nung miyerkules naman ay nag-inuman kami nila Aisa at Barbie...pagdating namin doon sa lugar kung saan kami ay iinom, sa may bandang labasan ng Krus na Ligas yun eh, naalala kong imbitahan si nicole dahil naalala kong may klsae siya hanggang alas-sinko...tinext ni Aisa si Nicole at sumunod na nga sila ng syota niya kung nasaan kami...ayun...inuman, kewntuhan, tawanan....naalala ko tuloy bigla na ang tagal ko ng hindi nakainom ng toma...haha! xD

Nung araw na ‘yon rin ay may kina-buwisitan akong tao sa Kalay...paano kasi pa-epal masyado...sarap ngang saksakin ng G-Tec sa leeg eh...-____-

Hay buhay...bakit naman kasi ang daming pinanganak na walang kwentang mga tao dito sa mundo...mas walang kwenta pa kesa sa’kin...syet meron pa palang mas malala kesa sa’kin?! woot~! Ahahahaha! :3

Hay nako wag na ngang pag-usapan ang mga ganyang bagay at nakakawalang gana...

Sa biyernes ng susunod na linggo ay may panonoorin kaming pagtatanghal sa Kolehiyo ng Merriam dahil utos ni Bobet...x3 susulat raw kasi kami ng isang mapanuring papel ukol sa pagtatanghal na iyon...naikuwento pa niya na ang grupong magtatanghal raw sa araw na iyon ay isang bagong grupong teatro na hiwalay sa TKM (ito ang pangunahing grupong teatro ng Merriam)...buong pagmamalaki pa ngang sinabi ni Bobet na siya ang tumatayong patnubay ng grupong ito..at ayon sa kanya..”Ito ang grupo ng mga aktibista sa Merriam kaya iba ang mapapanood ninyo.” Hindi ko lang maalala kung anong tawag niya sa grupo...’Pinay’ yata...ewan...*kibit balikat*

Nasabi ko ng kilala ng nanay ko ang guro kong si Bobet hindi ba? Nalaman ko sa nanay ko na talagang mahilig na sa Teatro ang guro kong ito noon pa man...nung nakaraang miyerkules nga eh sinabi ko sa kanyang kilala siya ng nanay ko....nang sabihin ko ang buong pangalan ng nanay ko ay nangiti si Bobet at sinabing naaalala rin niya ang nanay ko...grabeh...ang liit talaga ng mundo pagdating sa kanila...hehe...

Ano pa ba? Wala na kong maisip ikwento eh...yun lang muna siguro..maliban naman kasi sa mga nakwento ko ay wala nang magandang nangyari sa linggong ito...pangkaraniwang mga pangyayari sa buhay kolehiyala ang mga naranasan ko sa linggong ito...hay...alam niyo ito ang nakasanayan kong buhay noon bago ako nagtrabaho...at sa totoo lang...parang nagsasawa na kaagad ako...ahaha...ang aga ano? Parang mas gusto ko na lang nga kasing magtrabaho...doon ay may bayad ang oras ko...dito wala...ahaha! biro lang...xP

sige hanggang dito na lang muna at may tatapusin pa ko sa ibang lugar...at sabi nga ni John Lloyd....Ingat! ^^

~ diwata
 
 
si diwata ay:: blahewan...bahala na si batman